Balik-tanaw, BBS EBs

Posted by: Fats in: Goat4Sale Pinoy Diary > Maala-ala mo kaya

Goat4SaleNakaka-aliw at ang ilang mga kaibigan ko sa BBS noong nakaraang 7-10 taon ay muling nagsusulputan. :) Naisip ko tuloy na ibalik on-line ang ilang mga alaala (sulatin at larawan) mula sa Digiteer BBS EBs na naganap nuong mga nakaraang taon.

Ang una kong gustong i-balik ay itong aming ASTIG Christmas EB nuong Sabado, December 22, 2001 sa Robinson’s Place sa Manila. Ito ang una kong naisip ibalik dahil ito ay mayroon kalakip na liham para sa aking kaibigan sa BBS na si Mabec. Miss na miss na namin si Mabec nga mula nuong taong yaon ay lumipad na ng Amerika. Pero kahit papaano ay nakakapag-balitaan pa rin kami via email.

Ilan na rin sa mga kaibigan ko sa BBS ang nag-migrate sa ibang bansa, ilan na rin ang nakapag-asawa at mayroon ng mga anak. Ilan sa mga pinaka-sinauna kong naging kaibigan sa BBS ay nakakasama ko pa rin hanggang ngayon, tulad nila Ferdi, Becky, Neal at Danny. Nuong 2005 ay nagkitakita rin kami ng mga kasamang ASTIG. Sana minsan ay magkaroon ng pagkakataon na makapag-reunion kaming lahat muli.

Mabuhay!

eb-omar.jpg

ASTIG’s Xmas2001 EB
Saturday, December 22, 2001
Digiteer’s ASTIG meet once again,
keeping the old tradition of BBS EBs alive!

Dear Mabec,

As promised, eto na ang aming mga EB pictures. Sa picture sa kanan ay iyong makikita si Omar dela Manyak na sumusulat sa iyo. Yan ay mga bandang 3:00pm sa Coffee Republic sa Robinson’s Place.

eb_omar_rodney_fats_eating.jpg

eb_fats_eating.jpg

Nagkita-kita kami nila Omar at Rodney sa Manila Cathedral ng mga 10:00am, na-late nga ako ng dating at umutang pa ako sa kanila ng 20 pesos pambayad sa taxi. Tapos ay nagpunta kami sa Robinson’s Place sa Ermita kung saan ako bumili ng mga libro pangregalo sa mga pamangkin ko. Tapos ay kumain kami sa Dusit Thani (ayun sa taas ang aming picture at ang masarap na Thai cuisine). Sa kanan ay ang picture ko (taken by Rodney) habang kumakain. Eto sa baba ang picture ng dalawang ungguy.

eb_omar_and_rodney.jpg

Masarap din pala ang Thai food doon at ngayon ko pa lang na-try kumain doon, pero sina Omar at Rodney ay madalas nang nakakain doon. Hindi na nga ako updated sa mga magagandang eating places dahil puros sisig, batsoy tagalog at dinuguan na lang sa Hepa Joint sa UP ang kinakainan ko. Anyways, habang nag-lu-lunch ay tinawagan nila Rodney at Omar sina Bobby Omanyak at El Kabe para makahabol sa EB. Hindi ko na nga naisip na makakarating pa si El Kabe dahil ilang beses na nya tayo inindian. Naisip ko tuloy na siguro kapag sa mga simbahan ang EB natin ay umiiwas si El Kabe. Ngayon at balik malls ang EB ay lumitaw ang Kabe!

eb_fats_bobby_israel.jpg

Matapos kami mag-lunch sa Dusit Thani ay dumating na si Bobby O! Makikita mo sa picture sa ibababa na si Bobby ay tumaba na at tumangkad pa. Siguro ay dalawang beses na sya nanganak. Doon na kami nag-merienda sa Coffee Republic, libre ni Omar!

eb_omar_rodney_bobby_fats.jpg

eb_group_photo.jpg

Yung picture sa upper right ay kasama na namin si El Kabe na dumating ng halos 3pm na, nanggaling pa sya sa opis nila sa Makati.

Sabi sa amin ni Rodney ay tumaba na si El at tatlo na raw ang batok nya sa taba. Hindi naman pala totoo yun. Nang dumating si El ay naka-shades pa ito, naka-gel ang buhok at tatlo ang suot na salbabida.

eb_rodney_and_friend.jpg

Yung picture sa taas ay si Rodney kasama ang kaibigan nyang si Jean na taga Malaya. Nagtatakip si Rodney ng mukha dahil mabibisto syang two-timer.

Eto pa ang ilang mga pictures namin sa Coffee Republic. Mapapansin mo na iisa ang profile (yung 3/4) ni El Kabe sa mga pictures. Malamang ay matagal na nyang na-rehearse sa salamin yan. Si Rodney naman sa likod ay bumili ng cinnamon roll sa CinnZeo para kainin dito sa Coffee Republic. Masarap din pala ang cinnamon doon.

eb_fats_bobby_israel_omar.jpg

eb_israel_and_omar.jpg

Yung mga pictures sa itaas ay puros cellphones na naman ang inaatupag nila El at Omar, samantala ay wala nang lumalabas sa LCD screen ng aking cel, mabuti na lang pag-uwi ko ay naayos ulit. Antik na kasi yun. Anyways, umuwi ako agad (mga 3:30pm) dahil kailangan ko pang habuling naka-bukas yung faculty room sa UP ng 5pm. Andoon kasi ang computer ko at kelangan ma-d/l ko na yung EB pics. Nag-stay pa naman sila sa Robinson’s hanggang gabi dahil hindi naman madalas nakakapg-EB ang Astig. Well, kahit papaano ay in touch pa rin naman tayo, diba? Sana ay nakasama ka namin sa EB, Mabec, pero hindi bale, alam namin na merong pagkakataon na magkikita-kita rin tayong lahat muli.

Sige, hanggang dito na lang muna - sa susunod na EB!

Love,
Fats

2 Responses to “Balik-tanaw, BBS EBs”

  1. Mabec Says:

    Grabe Fats…gumugulong ako sa kakatawa habang binabasa ko ang iyong nobelang kenkay and the unggoys! Oh how i miss those days…i really do! Miss you talaga even tho i am also having the best times of my life here…basta magkikita kita pa rint tayo and i can (sa awa ng Diyos) pop in, in one of your EBs. ingatz and keep updating me kahit paminsan minsan. :-)

  2. Fats Says:

    I look forward to that EB, Mabec, miss na miss ko na ang tawa mo! ;) Atsaka dapat ma-meet mo na rin si Trevor, kakakasal lang namin kahapon, nakakatuwa at napakasimpleng kasal sa City Hall. I’ll blog about it later. Ingat din dyan, regards from Trevor and we hope to see you soon! :)

Leave a Reply