Signos
Posted by: Fats in: Goat4Sale Pinoy Diary > Etsetera, etsetera
Siguro tanghali nung ako’y nagising dahil sa malakas na boses ng isang babae na maya-maya ay naging isang malakas na iyak. Napakalakas na iyak, hikbi, pamilyar din kanya’t sigurado akong sya yung aming narinig na umiiyak nakaraan ang ilang buwan isang madaling-araw. Madarama ang lalim ng sakit sa kanyang pag-iyak.
Masamang signos? Sana ay hindi naman.
Tumahol ang aso ng aming kapitbahay at tumahimik ang pag-iyak. Malamang ay naalala ng babae na sya’y dinig sa buong apartment block, di tulad nung madaling-araw na tahimik ang kapaligiran, ani mo’y nagiisa ka sa mundo at walang nakakarinig sa iyong pag-iyak.
