Archive for the 'Goat4Sale Pinoy Diary' Category

Buhay kambing

Thursday, September 11th, 2008

Nakakatuwa naman at ang dami kong nakitang kambing sa Bohol. :) Merong brown, merong black, merong white, merong black and white, merong brown and white - at lahat sila ay maikli ang buntot. Sa palagay ko ay nalahian ng kambing ang mga aso sa Baclayon kaya maikli ang buntot ng karamihan sa mga aso dito.

Sa huling araw ng aming bakasyon sa Baclayon ay sinubukan kong kunan ng litrato yung mga kambing sa bakuran ng aming mga kapitbahay. Napansin ko kaagad simula pa lang sa unang kinunan ko ng litrato na medyo “anti-social” ang mga kambing. Paglapit ko at pagtutok ng camera ay titigil agad ito sa pagnguya ng damo at aangal ng “meeeeee-meeeeee!”

Hmmm….

Ito ang unang kinunan  ko ng litrato, isang katamtamang laki na kambing na nakatira sa tabi ng isang bakeshop. Meron syang kulay asul na collar.

baclayon-goat-1.jpg

Ito ang isa pang kambing na kinunan ko ng litrato, di kalayuan sa kambing na me asul na collar. Ito naman ay mas malaki, mas malaki rin ang sungay at mayroon din syang tali sa leeg. Karamihan sa mga kambing dito ay nakatali pero meron din akong mga nakitang kambing na malaya, lalo na yung mga may maliit na anak.

baclayon-goat-2.jpg

Minsan papuntang Maribojoc ay mayroon kaming nakitang ibang lahi ng kambing na tila kumakatok sa gate ng isang bahay. Sya ay isang malaking long-hair na kambing.

Nung bumisita kami sa Antipolo kasama ng nanay ko ay merong dalawa o tatlong pamilya ng mga kambing na malapit sa loteng binisita namin. Tuwang-tuwa ang nanay ko doon sa mga maliliit na kambing. Gusto raw nyang mag-alaga ng maliit na kambing basta’t wag na ito lalaki. Pwede yun, kung ito ay kakatayin at pupulutanin bago pa ito lumaki. ;)

Masarap pa naman ang kalderetang kambing! ;)

Samantala, nabasa ni Trevor sa BBC news ang isang balita tungkol sa mga kambing sa Democratic Republic of Congo na ikinulong at kinasuhan: “The beasts were due to appear in court, charged with being sold illegally by the roadside.” (From DR Congo frees goats from prison)

60 Days of L.O.R.D.

Sunday, January 27th, 2008

This is an account of L.O.R.D. happenings at The Digiteer BBS (1997-2000). Art & story by Fats Lasay, 1998.

venom22.jpg
I remember seeing VenoM clad in the dirtiest thief’s garb ever, brandishing a frightening weapon, killing anyone who got in the way - be they women, children or dogs.”

Several days ago I had bested Turgon, the greatest warrior in the realm. I strolled the grounds and watched as lesser warriors bow low. Turgon’s last words were that I find and kill the Dragon, yet to this day my duels in the Forest have all been innards - mine - drying on the moss.

But through this journey, there had been interesting revelations: O2 Cool is H.O.T., Dark Soul is Saint of Killers and Blah is VenoM. The ceremony of self-unmasking as their experience mounts seems a tradition among the seasoned warriors, with the exception of one - LEGEND - who coverts as RANMA if only to add sensation to the arrival of his bethroted AKANE.

zig2.jpg
… My name is Zigzaggery…

To date, H.O.T.’s 1,079,857,806 experience tops RANMA, Joshi and myself. But as H.O.T. remains at the seventh level while RANMA and Joshi sit at the tenth, he has the option to slaughter them both with a power move - though it seems he does not need it - I saw him wielding a Death Sword and his body covered by an incredible armor.

…”He can drink a river of blood and not burst”… …”He can swallow a desert and never thirst”…

akane.jpg
AKANE (aka Alanis) bethroted to RANMA (aka Legend)

I had once overheard RANMA at the Bar wishing for more money, waiting for magic to happen somewhere. Until that happens and for as long as “Long Live Legend”, H.O.T. will continue to make bloody little sand castles on his belly.

It is refreshng to see Silver Blood, Blue Silver’s prodigal son, fight his way to the sixth level. I never catch him in action, but his quick gain of experience tells he has inherited the skills of his father.

ensoniq.jpg
The precocious EnsoniQ; boyish looks mask his appetite for killing.

And talk once again about magic, that would be all that is needed to unleash the killing sprees of EnsoniQ and VenoM. What a merciless pair. I remember seeing VenoM clad in the dirtiest thief’s garb ever but brandishing a frightening weapon, killing anyone who got in the way - be they women, children or dogs. Everyday, that be all that they do, slaughter the innocents in the fields, bribing the sloppy tender at the tavern and drawing the blood of their enemies in their sleep. No one has the leisure to slay me, though - several of my parts are always in the Dragon’s belly. But I have two children who can make me smile.

…”The Gods have powers, the Gods are just”…
…”The Gods help us people, when they must”…
…”Gods can heal the sick, even the cancered”…
…”Pray to the Gods, and you will be answered”…

So it was god who first struck down the Dragon several weeks ago. He was then a Death Knight, but had converted to thievery the night he slew the beast. There at the bar he was praised for his good deed, but had not stayed long after a woman spotted a ring - predatory - on his finger. What an honorable thief… and ‘god is good’ he scribbles patiently in the dirt. I still receive divine invitations to his inn - perhaps one of my children, Rune Kleit Volrath, is his; Rune has the color of his eyes - pink. My next child would have brown eyes - Joshi’s.

god.jpg What an honorable thief… ‘god is good’ he scribbles in the dirt. I still receive divine invitations to his inn - perhaps one of my children, Rune Kleit Volrath, is his; Rune has the color of his eyes - pink.

Legend of the Red Dragon (LORD) is a text-based role-playing game written in Pascal and run on Bulletin board systems as a third party door game. It was created by Seth Robinson of Robinson Technologies and is currently maintained by Michael Preslar. The player’s goal is to improve his or her skills in order to defeat the Red Dragon which has been attacking the village. The software is compatible with DOS, Microsoft Windows, and OS/2. See LORD’s official website and LORD creator Seth Able Robinson’s website.

Signos

Monday, December 3rd, 2007

Goat4SaleSiguro tanghali nung ako’y nagising dahil sa malakas na boses ng isang babae na maya-maya ay naging isang malakas na iyak. Napakalakas na iyak, hikbi, pamilyar din kanya’t sigurado akong sya yung aming narinig na umiiyak nakaraan ang ilang buwan isang madaling-araw. Madarama ang lalim ng sakit sa kanyang pag-iyak.

Masamang signos? Sana ay hindi naman.

Tumahol ang aso ng aming kapitbahay at tumahimik ang pag-iyak. Malamang ay naalala ng babae na sya’y dinig sa buong apartment block, di tulad nung madaling-araw na tahimik ang kapaligiran, ani mo’y nagiisa ka sa mundo at walang nakakarinig sa iyong pag-iyak.

Gutom

Tuesday, November 27th, 2007

Goat4Sale Nung nakaraang Lunes, medyo maaga ako nagising upang magsulat at mag-check ng email, nang biglang mayroong nag-doorbell: isang matandang humihingi ng limos, inaabot sa akin ang isang papel sa isang kamay at sa kabilang kamay ay pinapakita ang dalawa o tatlong piso.

Sandali lang po, manong, sabi ko, isinara ng bahagya ang pinto at kumuha ng pera sa aking pitaka. Inabot ko sa matanda ang singkwenta pesos habang tinatanong kung saan sya nanggaling.

Sa Cordillera, sagot nya, sabay tingin sa pera. Parang nabigla dun sa halagang binigay ko. Bahagya ay nangamba ako na baka magalit sya at napakaliit nung binigay kong pera. Maraming salamat, sabi nung matanda. Haay, salamat, sabi ko sa aking sarili.

Sige, ingat po kayo, manong, sabi ko sa matanda at isinara na ang pinto.

Balik ako sa computer, download ang email at ang magandang balita na tuloy ang proyekto para sa websining sa kabila ng mga problema sa NCCA at dahil na rin sa pagpursigi ng CVA para maituloy nga ito.

Sana magandang signos yung matandang mula-Cordillera. Medyo isputing na polo pa nga ang kanyang suot, naisip ko na malamang ay galing sa ukay-ukay.

Lumindol kaninang tanghali. Tulog pa ako nun. Death anniversary pa naman ng tatay ko. Nung nakaraang araw naman nagalit ako sa asawa ko, napakakulit kasi, mas-excited pa sya kesa sa akin tungkol sa gaganaping proyektong websining, ayun walang tigil na kakatalak tungkol sa konsepto nya eh nahihilo na ako sa gutom at alas-tres na ng hapon ay hindi pa kami kumakain ng agahan.

Awa ng Diyos naayos naman namin ang gusot. Sinabihan ko syang wag makipag-debate at wag-negatibo kapag ako ay gutom. Malamang ay ito rin ang pinag-umpisahan ng problema namin nuong nakaraang taon: gutom.

Di ko matanggap ang dami ng batang nagugutom ngayon, lalo na yung mga batang papasok ng iskwela na walang agahan. Ilang pamilya kaya ang nasira dahil sa di pagkakasundo-sundo … dahil pala sa gutom.

Isa pang kaibigan kong taga-Burma ang sumagot sa aking email - makalipas ang ilang linggo. OK naman sya, awa ng Diyos, nagpipinta pa rin at ngayon ay interesante sa sound installation.

Nakakapag-tawid gutom pa rin ba kaya ang “art” ngayon?

Sa kasawiang palad …

Saturday, November 10th, 2007

Goat4SalePagbabalik-tanaw tungkol sa aking nakaraang post (Baranggay Eleksyon: maka-taktak! maka-tarat!) … Sa kasawiang palad, ang mga kabataan ay inilululong at inihahanda na rin ng barangay sa maduming mundo ng pulitika…

Starting ‘em young: “Kickbacks” and “love gifts” an SOP for some SK execs
AVIGAIL OLARTE
11/06/2007 | 08:17 AM

Sangguniang Kabataan (SK*) council member Lira Sanchez (not her real name) remembers the first time she received her “SOP,” the so-called standard operating procedure, otherwise known as love gifts or kickbacks, from projects in their barangay in Metro Manila.

She was 16 years old then, and the sight of the P6,000-cash being handed to her made her hesitate. “Di po ba ito bawal (Isn’t this illegal)?” the girl asked. She was assured that it wasn’t, adding: “Kahit si Kap meron niyan (Even the barangay captain has his share).”

Mula sa balita.

Baranggay Eleksyon: maka-taktak! maka-tarat!

Sunday, November 4th, 2007

Goat4SaleNuong mga nakaraang ilang linggo kami’y binulabog ng tambol, torotot, simbals, megapon, paputok/kwuitis, at kung ano-ano pang pantawag-pansin na mga ingay ng mga kandidato sa katatapos lamang na mga Baranggay/SK eleksyon.

Maliit lang naman ang aming baranggay subalit isang kandidato pagka-baranggay captain lamang ang bumisita sa aming apartment upang hingin ang aming suporta sa pamamagitan ng pagboto sa kanya at ng kanyang mga ka-partido. Sa katunayan, napabisita lamang sya sa amin dahil sya ay nakatira sa kaparehong apartment block namin dito sa baranggay.

Nung isa o dalawang nakaraang araw naman ay napabalita na ang aming baranggay ay isa sa dalawa na “trouble areas” sa distrito. Ilang mga guro/election officers umano ang ‘hinostage’ ng ilang mga kandidato at ng kanilang mga taga-suporta. Sikat pala ang aming barangay sa pagiging “trouble area.”

Hmmm… mukhang matindi ang kompetisyon sa pulitiko dito sa aming lugar. Kanya siguro ganun din katindi ang pabonggahan ng pangangampanya sa kalsada. Nakakatuwa kung minsan pero nakakarindi kadalasan, paulit-ulit na tugtog o busina ng i-taktak mo, boom-tarat-tarat, at bulyaw ng mga salitang “maaasahan!” “maka-diyos!” “maka-bayan!”

Siguro ay wala nang naniniwala sa mga katagang yan kaya kailangan na pag-igihan ang “taktak” at “tarat.” Dyan, tiyak sila maaasahan!

Sa totoo lang ay said na rin ang pasencia ko sa mga pulitiko dito sa Pilipinas. Tumigil na ako sa pagboto mula nung eleksyong nakaraang Mayo. Mabuti pa yung ilang mga taga-Argentina, ibinenta sa isang on-line auction ang kanilang mga boto bilang protesta sa kanilang mga walang-silbing pulitiko.

Kung di rin lang naman mahusay at maaasahan ang ating sistemang pampulitika, ay mas mabuti na bawas-bawasan na lang natin ang pag-asa’t pagtiwala sa kanila. Totoo na ang pulitika ay isang show-business; kapag walang manonood ay walang show.

Malamang pananaw din ito ng ilang mga tinatawag na “anarchists”, pero na niniwala ako na ang pinaka-angkop na sistema ng pamamahala para sa bansang Pilipinas ay ang pagbibigay autonomiya sa bawat barangagy. Kahalintulad siguro ito nuong mga tinatawag na cantonale sa bansang Suisse. Duda ako sa paghimok ng mga pulitiko sa pederalismo dahil ang motibo nito ay tyak na motibong pansariling kapakanan ng mga nakaluklok sa kapangyarihan sa itaas. Ang motibo ng pagka-baranggay ay dapat magmula sa pinaka-ugat ng lipunan.

Komplikado at kulang pa ang aking pagsasaliksik sa isipang ito. Subalit ito ang nakikita kong sagot sa tanong kung bakit kahit gaano kalinis ang isang maglilingkod-bayan, ito’y nagiging madumi sa sandaling maluklok sa ating masalimuot na sistemang pampulitikang di angkop sa diwa at kultura ng lipunang Pilipino.

Hari-nawa’y di pa nadungisan ng kasalukuyang sistemang pulitikal ang tunay na kahulugan ng baranggay.

Balik-tanaw, BBS EBs

Friday, October 12th, 2007

Goat4SaleNakaka-aliw at ang ilang mga kaibigan ko sa BBS noong nakaraang 7-10 taon ay muling nagsusulputan. :) Naisip ko tuloy na ibalik on-line ang ilang mga alaala (sulatin at larawan) mula sa Digiteer BBS EBs na naganap nuong mga nakaraang taon.

Ang una kong gustong i-balik ay itong aming ASTIG Christmas EB nuong Sabado, December 22, 2001 sa Robinson’s Place sa Manila. Ito ang una kong naisip ibalik dahil ito ay mayroon kalakip na liham para sa aking kaibigan sa BBS na si Mabec. Miss na miss na namin si Mabec nga mula nuong taong yaon ay lumipad na ng Amerika. Pero kahit papaano ay nakakapag-balitaan pa rin kami via email.

Ilan na rin sa mga kaibigan ko sa BBS ang nag-migrate sa ibang bansa, ilan na rin ang nakapag-asawa at mayroon ng mga anak. Ilan sa mga pinaka-sinauna kong naging kaibigan sa BBS ay nakakasama ko pa rin hanggang ngayon, tulad nila Ferdi, Becky, Neal at Danny. Nuong 2005 ay nagkitakita rin kami ng mga kasamang ASTIG. Sana minsan ay magkaroon ng pagkakataon na makapag-reunion kaming lahat muli.

Mabuhay!

(more…)